09/11/2025
Stay safe, kababayans 🙏🏽🇵🇭
🌧️ 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡
📅 Nobyembre 9, 2025 (Linggo) | 5:00 PM
Ang 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗧𝗬𝗣𝗛𝗢𝗢𝗡 “𝗨𝗪𝗔𝗡” (𝗙𝗨𝗡𝗚-𝗪𝗢𝗡𝗚) ay patuloy na binabantayan ng PAGASA at kasalukuyang nagdudulot ng mapanganib na mga kondisyon sa Camarines Norte, Aurora, at Polillo Islands.
💨 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗥𝗟𝗔𝗖 𝗖𝗜𝗧𝗬
Ang lungsod ng Tarlac ay kasalukuyan nasa ilalim pa rin ng 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 𝗡𝗼. 𝟰. Inaasahang mararanasan sa lugar ang 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝟭𝟭𝟴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟴𝟰 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗼𝗿𝗮𝘀 sa loob ng susunod na 𝟭𝟮 𝗼𝗿𝗮𝘀.
Dahil dito, may 𝗺𝗮𝗹𝘂𝗯𝗵𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗮𝗿𝗶-𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻, lalo na sa mga mahihinang istruktura at lugar na madaling tamaan ng malakas na hangin.
🌀 𝗧𝗥𝗔𝗖𝗞 𝗔𝗡𝗗 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗡𝗦𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗨𝗧𝗟𝗢𝗢𝗞
- 𝗟𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻: 185 km/h malapit sa gitna
- 𝗕𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻: umaabot hanggang 230 km/h
- 𝗚𝗮𝗹𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗦𝗧𝗬: kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h
- 𝗟𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻: Malalakas hanggang typhoon-force winds ay umaabot ng hanggang 900 km mula sa sentro.
🌧️ 𝗜𝗯𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮:
Kahit malayo sa sentrong dadaanan ng bagyo, 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻, 𝗺𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻, 𝗮𝘁 𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 𝘀𝘂𝗿𝗴𝗲. Inaanyayahan ang lahat na patuloy na bantayan ang mga 𝗿𝗮𝗶𝗻𝗳𝗮𝗹𝗹 𝗮𝗱𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝘀𝗲𝘃𝗲𝗿𝗲 𝘄𝗶𝗻𝗱 𝘄𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴𝘀 ng PAGASA.
💧 Mag-ingat, maghanda, at manatiling ligtas po tayong lahat! 🌂🌀