20/11/2025
Lubos po tayong nagpapasalamat sa PhilHealth Regional Office III para sa pagkilalang iginawad sa atin ngayong araw sa Central Luzon Appreciation of Partners (CLAP): Celebrating Excellence for Multi-Stakeholders Convergence, sa pamumuno ni Ginoong Henry Almanon, Acting Vice President ng PhilHealth Region III, at sa ating PhilHealth President and CEO Dr. Edwin Mercado.
Isang malaking karangalan din po para sa inyong lingkod na kilalanin ang Concepcion District Hospital β Yakap Facility bilang may Highest Filed Claims Rate (FPE), at na tumanggap ang Provincial Government of Tarlac ng Award of Distinction.
Kasama po ninyo ang Lalawigan ng Tarlac sa patuloy na pagsusulong ng mas maayos, at mas episyenteng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.
Taos-puso rin po ang ating pasasalamat sa lahat ng ating mga magigiting na medical frontliners na walang sawang naglilingkod at laging handang tumulong sa ating mga kababayan. π
Maraming salamat po, at mabuhay ang sambayanang Pilipino. π©Ίπ΅π