03/11/2025
Ang bilis nang araw November na!
2nd Lubigan Bamboo Arc Competition with banderitas na gawa sa recyclable materials. Panahon na naman ng Harvest Festival kung saan magsasama-sama ang ating mga kabarangay sa iba't ibang larangan ng palakasan, sining at kultura. Maipapakita rito ang ating husay sa sports, pagkamalikhain at talento.
Narito ang mga Opisyal na Panuntunan at Alituntunin:
1. Ang kompetisyon ay bukas sa lahat ng Purok at Sitios ng Lubigan, nongovernment organizations (NGOs) na nasa loob ng barangay (hal. Peoples organizations, IPs, associations, womens club, senior citizen, Sangguniang Kabataan, etc.
2. Dapat ipakita ng arco ang pinakamahusay na mga katangian ng kalahok – maaring isama ang mga produkto, kultura, tourist spot, alamat, kwento, at simbolo.
3. Dapat i-highlight sa gitna ng arco ang inyong nirerepresent na purok o organisasyon.
4. Ang arco ay maaaring bigyang-diin ng iba pang mga palamuti kabilang ang mga epekto ng solar na pag-iilaw. Banderitas na gawa sa recyclable materials.
5. Ang arco ay dapat itayo na may at least dalawang paa/haligi na may mga probisyon na makatutulong dito na makatiis sa anumang kondisyon ng panahon.
6. Ang minimum na vertical clearance ng arco ay dapat na 4.88 na metro mula sa natapos na floorline at ang lapad ay dapat sumasakop sa buong span ng daan/karwahe ngunit hindi dapat humarang sa alinmang pampubliko.
7. Ang arco ay dapat maitayo na on or before December 1, 2025, Lunes.
8. Gagawin ang prejudging sa December 2, 2025 at ang paghuhusga sa December 26, 2025, Biyernes.
9. Ang mga pamantayan ay ang mga sumusunod:
• Originality 35%
• Pagkamalikhain 30%
• Craftsmanship 25%
• Impact 10%
Kabuuan: 100%
10. Ang mga premyo ay ang mga sumusunod:
• Unang gantimpala – P15,000.00
• Pangalawang gantimpala – P10,000.00
• Ikatlong gantimpala – P7,000.00
• Consolation prizes – P1,000 - 5,000.00
Sali na Kabarangay!