12/02/2026
๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐-๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต๐ ๐๐ผ๐ผ๐ฑ: ๐๐ป๐ผ ๐๐๐ผ?
Ang labis na pagkonsumo ng maalat na pagkain ay nagpapataas ng panganib ng pagkakaroon ng high blood pressure o altapresyon, isang pangunahing sanhi ng sakit sa puso at iba pang cardiovascular diseases.
Batay sa 2023 National Nutrition Survey ng DOST-FNRI, 1 sa bawat 10 Pilipinong may edad 20โ59 ang may mataas na presyon ng dugo. Mas mataas ang kaso nito sa mga lalaki (15.4%) kumpara sa mga babae (10.4%), at mas marami ang apektado sa mga nakatira sa urban areas (13.3%) kaysa sa rural areas (12.6%).
Dahil dito, higit na dapat bigyang-diin ang halaga ng pagsulong ng pagkakaroon ng heart-healthy na pagkain sa bawat tahanan. Tumutukoy ito sa pag-iwas sa mga pagkaing mataas sa sodium (maalat), taba, at as**al, at sa pagpili at paghahanda ng masustansyang pagkain.
Halimbawa ng masustansyang pagkain ay prutas at gulay tulad ng mansanas, saging, kamatis, at broccoli; whole grains gaya ng brown rice at oats; lean protein tulad ng isda, manok na walang balat, at tofu; at mga pagkaing may healthy fats gaya ng abokado at mani. Ang ganitong uri ng pagkain ay nakatutulong sa pagpapanatili ng normal na presyon ng dugo at pagbawas ng panganib ng sakit sa puso.
Ayon sa Message #8 ng Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF) ng DOST-FNRI, mahalagang limitahan ang sobrang maalat, mamantika, at matatamis na pagkain upang maiwasan ang ibaโt ibang cardiovascular diseases.
Kaugnay nito, maaaring gawing mas masustansya ang mga hinahandang pagkain sa pamamagitan ng pagbabawas ng asin o iba pang pampaalat, gaya ng toyo, patis, bagoong, at alamang. Sa halip ay gumamit ng mga natural na pampalasa tulad ng bawang, sibuyas, luya, herbs, kalamansi, at s**a.
Bukod dito, mahalaga rin ang tamang paraan ng pagluluto upang mapanatiling malusog ang puso. Ang pagpapakulo, pag-steam, pag-iihaw, at paggigisa gamit ang kaunting mantika ay nakakatulong hindi lamang sa pagpapanatili ng sustansya ng pagkain, kundi pati na rin sa pagkontrol ng labis na taba.
Kahit abala sa araw-araw, may mga pagkaing madaling ihanda at mabuti para sa puso. Maaaring bisitahin ang 2024 Menu Guide Calendar - Delights for your Heart: Healthy Recipes for Individuals with Hypertension na ginawa ng DOST-FNRI (https://www.fnri.dost.gov.ph/images/images/standardtools/MenuGuideCalendar/MGC-2024.pdf).
Ngayong buwan ng mga puso, mahalagang tandaan na ang pangangalaga sa kalusugan ay nagsisimula sa tahanan at sa hapag-kainan. Sa pamamagitan ng maliliit ngunit tuloy-tuloy na pagbabago sa pagkain at paraan ng pagluluto, nagiging mas abot-kamay ang pagkakaroon ng malusog na puso, maayos na pangangatawan, at mas mataas na kalidad na buhay.