Taytay Nutrition Office

Taytay Nutrition Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Taytay Nutrition Office, Nutritionist, Taytay Emergency Hospital, Taytay.

26/11/2025
๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ-๐™ค ๐™ฃ๐™–, ๐™Š๐™‹๐™ ๐™‹๐™ก๐™ช๐™จ ๐™ฃ๐™–! Ngayong January-March  2025 ay magsisimula na ang pag-iikot ng ating mga Barangay Nutrition Sc...
20/01/2025

๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ-๐™ค ๐™ฃ๐™–, ๐™Š๐™‹๐™ ๐™‹๐™ก๐™ช๐™จ ๐™ฃ๐™–!

Ngayong January-March 2025 ay magsisimula na ang pag-iikot ng ating mga Barangay Nutrition Scholars sa bawat barangay sa bayan ng Taytay para sa 2025 Operation Timbang Plus!

Sa pamamagitan ng pagtitimbang, pagsusukat ng haba at taas. Layon nitong alamin ang Nutritional Status ng inyong mga baby mula 0-59 months. Kasabay rin nito ang pagpapatak ng Vitamin A.

Ano pang hinihintay ninyo? Tayo na mga mommies at makilahok na sa OPT Plus!



2024 ๐™‰๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ข๐™š๐™ง๐™œ๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™š๐™จ ๐™๐™ง๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎSa kauna-unahang pagkakataon ay matagumpay na naisagawa ang 202...
26/12/2024

2024 ๐™‰๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ข๐™š๐™ง๐™œ๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™š๐™จ ๐™๐™ง๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ

Sa kauna-unahang pagkakataon ay matagumpay na naisagawa ang 2024 Nutrition in Emergencies Training sa bayan ng Taytay. Ang training na ito ay pinangunahan nina National Nutrition Council - Calabarzon Nutrition Officer II Julliene Louise Cuartero, RND at Rizal Provincial Nutrition Committee-District Nutrition Program Coordinator Marie Claire R. Miranda, RND. Nilahukan ang training na ito ng iba't ibang department heads and representatives mula sa Municipal Nutrition Committee kasama na rin ang Barangay Nutrition Scholars (BNS) Focal and Officers.

Tinalakay sa 3-day Nutrition in Emergencies Training ang modules ng Disaster Risk Reduction and Management (DRMM) and Cluster Approach, Introduction to Nutrition in Emergencies, at Disaster Risk Reduction and Management โ€“ Health โ€“ Nutrition in Emergencies (DRRM-H-NiE). Nagkaroon rin ng workshop at presentation mula sa mga training participants. Ang training na ito ay susi upang mas mapaigting ang pagbibigay ng dekalidad na nutrisyon sa Bayan ng Taytay lalong-lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.

Higit sa lahat, ang tagumpay ng programang ito ay possible sa tulong ng ating butihing Mayor Allan De Leon kasama ang Team Smile Taytay na walang sawang sumuporta sa ating programa.



19/12/2024
19/12/2024
๐™Ž๐™– ๐™ ๐™–๐™ช๐™ฃ๐™–-๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ค๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™‰๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™ก ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ง๐™ค๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™˜๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ก ๐™๐™ค๐™ช๐™ง ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ!Pi...
18/12/2024

๐™Ž๐™– ๐™ ๐™–๐™ช๐™ฃ๐™–-๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ค๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™‰๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™ก ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ง๐™ค๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™˜๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ก ๐™๐™ค๐™ช๐™ง ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ!

Pinangunahan ni National Nutrition Council (Official) Assistant Secretary Dr. Azucena Milana-Dayanghirang, MD, MCH, CESO III ang pag-iikot sa bayan ng Taytay kasama ang mga Regional Program Coordinators (RNPC) mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa. Tampok sa Municipal tour ang pagbisita ng mga delegates sa Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist, Taytay Tiannge, at Christmas on Display. Bumida dito ang Smile Taytay Tiangge Challenge sa Mancon delegates ng NNC.

Ang Smile Municipal Tour na ito ay naging posible sa kolaborasyon ng Munisipalidad ng Taytay at National Nutrition Council, kasama ang Taytay Nutrition Office . Lubos rin ang aming pasasalamat sa paglundsad ng 4th Management Conference ng NNC sa Bayan ng Taytay.

Ang walang sawang suporta mula kay Mayor Allan De Leon at sa mga opisina ng Taytay Public Information Office, Taytay, Rizal Tourism Office, Taytay BAGPI, Mpsd Taytay, LPRAO Taytay, Taytay PNP, at Rev. Fr. France Baasis ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist - Taytay, Rizal St. John the Baptist ang naging susi ng tagumpay ng programang ito!



4๐™ฉ๐™ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™›๐™š๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™‰๐˜พ, ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™จ๐™–๐™™ ๐™จ๐™– ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎNagkaroon ng 4th Management Conference (ManCon) National Nutrition ...
18/12/2024

4๐™ฉ๐™ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™›๐™š๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™‰๐˜พ, ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™จ๐™–๐™™ ๐™จ๐™– ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ

Nagkaroon ng 4th Management Conference (ManCon) National Nutrition Council (Official) (NNC) sa Monaco Hotel, Barangay Dolores, Taytay Rizal. Ang ManCon ay pinangunahan ni National Nutrition Council Assistant Secretary Dr. Azucena Milana-Dayanghirang, MD, MCH, CESO III kasama ang delegates mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

Ang ManCon ay ginaganap apat na beses sa isang taon. Layunin nito na pagsama-samahin ang mga Regional Program Coordinators (RNPC) sa buong bansa upang mapag-usapan ang mga isyung pangnutrisyon sa mga rehiyon, magbigay updates, at mapag-usapan ang mga strategies ng nutrition programs sa national at regional level.

Tampok sa kanilang Fellowship Night ang pagbisita ni Mayor Allan De Leon kasama sina Konsehal JV Cabitac, and Konsehal Joan Calderon, Tourism Head Roel Supendio, at MNAO ng Taytay Nutrition Office Emmanoel S. Matela, RND. Bitbit ang Fruit Baskets at Token of Appreciation para sa ManCon Delegates.



CONGRATULATIONS TAYTAY! SGLG 2024 AWARDEE
14/11/2024

CONGRATULATIONS TAYTAY! SGLG 2024 AWARDEE

CONGRATULATIONS TAYTAY! SGLG 2024 AWARDEE

Magalak ang Bayan ng Taytay dahil isa tayo sa 577 na mga munisipalidad sa buong bansa na kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kakatapos lamang na validation para sa Seal of Good Local Governance (SGLG). Ang prestihiyosong parangal na ito ay isang patunay ng mahusay na pamamahala at transparency ng ating lokal na pamahalaan. Sa kabila ng mga hamon, patuloy ang ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pamumuno ni Mayor Allan De Leon sa pagpapabuti ng mga serbisyo at pagpapalago ng mga programa para sa kapakanan ng bawat Taytayeรฑo. Sa tulong ng bawat sektorโ€”mula sa mga mamamayan, lokal na opisyal, at mga ahensya ng gobyernoโ€”nakamit natin ang tagumpay na ito.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagkilalang ito upang magpatuloy ang ating bayan sa mas mataas na antas ng kaunlaran at serbisyo para sa mga Taytayeรฑo.

Isang naka-ngiting pagbati para sa ating lahat!

Para sa Diyos, Bayan at Kababayan.




https://www.facebook.com/photo.php?fbid=956630896485413&set=a.452312813583893&type=3&rdid=1BpppixPhinKR6vx&share_url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fshare%2FxwPNHq4WHUszt5uq%2F%3F_rdc%3D1%26_rdr

1๐™จ๐™ฉ ๐™‚๐™ง๐™š๐™š๐™ฃ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™š๐™ง ๐™Ž๐™š๐™–๐™ก ๐™ค๐™› ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ฅ๐™ก๐™ž๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š ๐˜ผ๐™ฌ๐™–๐™ง๐™™ ๐™ค๐™› ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ก ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™Š๐™‹๐™ (๐™Š๐™ฅ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™๐™ž๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ) ๐˜พ๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™–๐™œ๐™šSa kauna-unahang p...
12/11/2024

1๐™จ๐™ฉ ๐™‚๐™ง๐™š๐™š๐™ฃ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™š๐™ง ๐™Ž๐™š๐™–๐™ก ๐™ค๐™› ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ฅ๐™ก๐™ž๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š ๐˜ผ๐™ฌ๐™–๐™ง๐™™ ๐™ค๐™› ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ก ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™Š๐™‹๐™ (๐™Š๐™ฅ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™๐™ž๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ) ๐˜พ๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™–๐™œ๐™š

Sa kauna-unahang pagkakataon, iginawad sa bayan ng Taytay ang prestihiyosong ๐™‚๐™ง๐™š๐™š๐™ฃ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™š๐™ง ๐™Ž๐™š๐™–๐™ก ๐™ค๐™› ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ฅ๐™ก๐™ž๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š (๐™‚๐˜ฝ๐™Ž๐˜พ) ๐˜ผ๐™ฌ๐™–๐™ง๐™™ sa Calabarzon Regional Nutrition Awarding Ceremony mula sa National Nutrition Council - Calabarzon na ginanap noong Nobyembre 11, 2024, sa Acacia Hotel Manila, Alabang, Muntinlupa City.

Ang parangal na ito ay sumasalamin tuloy-tuloy na pagsusumikap ng Taytay Municipal Nutrition Committee (MNC) sa pangunguna ni Mayor Allan De Leon - Chair of the Taytay Municipal Nutrition Committee at Mr. Emmanoel Matela - Municipal Nutrition Action Officer (MNAO), kasama ang buong Smile Taytay Nutrition Team.

Dagdag pa rito, kinilala rin ang Taytay sa pagkakaroon ng ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™Š๐™‹๐™ (๐™Š๐™ฅ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™๐™ž๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ) ๐˜พ๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™–๐™œ๐™š sa buong rehiyon, isang tagumpay na nagpapakita ng komprehensibong pagsubaybay sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata sa komunidad.

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang patunay ng dedikasyon ng bayan ng Taytay sa pagpapabuti ng nutrisyon, pati na rin ang masidhing adhikain na matiyak ang wastong kalusugan ng bawat batang Taytayeno. Patuloy na magtutulungan ang Taytay Nutrition Office at iba pang sektor upang makamit ang isang mas malusog, masiglang, at nakangiting bayan.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga Barangay Nutrition Scholars, mga kawani, at lahat ng sumusuporta sa Taytay Nutrition Office para sa inyong dedikasyon at walang sawang paglilingkod.



Matagumpay na naisagawa ang BNS Refresher Course Training ngayong November 6-8, 2024 sa bayan ng Taytay. Ang training na...
11/11/2024

Matagumpay na naisagawa ang BNS Refresher Course Training ngayong November 6-8, 2024 sa bayan ng Taytay.

Ang training na ito ay pinangunahan ng Resource Speaker na si Mr. Erik Bacena, RND. Ito ay taon-taong ginagawa upang mapanatiling dekalidad at updated ang kaalaman ng ating mga BNS.

Tinalakay sa 3-day Refresher Course Training ang modules ng Barangay Nutrition Program, konsepto ng Food and Nutrition, mga skills na dapat idevelop ng BNS, Barangay Nutrition Program sa Local development, at BNS in action.

Higit sa lahat, ang tagumpay ng programang ito ay possible sa tulong ng ating butihing Mayor Allan De Leon kasama ang Team Smile Taytay na walang sawang sumuporta sa ating programa.



Address

Taytay Emergency Hospital
Taytay
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Taytay Nutrition Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Taytay Nutrition Office:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category