01/12/2025
Para sa lahat ng couples na trying to conceive…
Alam ko, iba ang dating ng December. It's holiday season for gatherings!
Habang yung iba busy to prepare sa mga pamasko at parties, kayo naman tahimik na nagdadasal ng “Lord, sana this time na.”
Yung pagod ka na sa kaka- tests ng pt, sa tanong ng mga tao na “Kelan naman kayo magkaka-anak?” normal na ’yan na agad ang bungad nila. Nakaka overwhelmed sa totoo lang.
Hindi ka nag iisa, hindi ka din naman nagkulang. You are doing your best with the cards life gave you. 🤍 Nagkataon lang na di pa talaga ipinagkaloob sa atin.
🏷️ Reminder for this month:
- Hindi mo kailangan i-explain sa kahit kanino ang journey nyo.
- May karapatan kang mag-skip ng gatherings na triggering sa inyo mag asawa.
- Puwede kang maging hopeful & malungkot at the same time. Valid naman yan.
- Asking for medical help or fertility check up is courage naman at hindi yan kahihiyan o dapat na ipagpaliban.