27/07/2025
📢 PAALALA SA AMING MGA MAHAL NA CUSTOMER 📢
Nais po naming ipabatid na maaaring hindi available ngayong araw ang ilan sa mga gamot na karaniwang hinahanap ninyo. Ito ay dahil sa mga hindi inaasahang pangyayaring hindi po namin kontrolado, kaya’t naantala ang pagdating ng mga bagong stock.
💊 Asahan po ninyo na darating ang mga ito sa mga susunod na araw. Pinagsusumikapan po naming maibalik agad ang kumpletong supply para sa inyong pangangailangan.
Kami po ay humihingi ng inyong pang-unawa at pasensya, at taus-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at tiwala.
Sa kabila ng lahat, ang TGP ay laging handang maglingkod.
Maraming salamat po!