Tondo Health Center

Tondo Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tondo Health Center, Medical and health, 2474 Int. Juan Luna Street Tondo, Tondo.

28/05/2020

Embrace the New Normal..

Para sa kaalaman po ng lahat...😊
Hindi po tayo basta basta makakabalik sa dati πŸ˜₯, Kaya naman..

Let's embrace the 13 ways of NEW NORMAL.🌎 πŸ’―πŸ˜€ for the next 6-12 months or even 2 years.

😷1. Always wear a mask when outside. Bring an extra, too!

πŸ‘2. Have hand santizer handy. Avoid touching surfaces and other stuff unnecessarily.

πŸ‘―β€β™€οΈ3. Boost your Immune System, food with good source of Vitamin C, Zinc and D3 are essential and/or take supplements.

πŸƒβ€β™‚οΈ4. Don't go out unless it is absolutely necessary... Practice Social Distancing.

πŸ‘±πŸ»β€β™€οΈ5. Don’t touch your face. Tie your hair every time you go out.

🀭6. Don't grow your beard. Better safe than sorry.

πŸ’‡β€β™‚οΈπŸ’‡β€β™€οΈ7. Don't go to the barber shop. Either do it yourself or call the barber to your home.
Let him wear a mask, clean his hands.
Use your own instruments like scissors etc.

πŸ’8. Don't wear belt, rings, wrist watch, when you go out. Watch is not required. Your mobile has got time.

🧣9. No handkerchief. Use sanitizer & tissue
as required.

πŸ‘Ÿ10. Don't bring your shoes into your house.
Leave them outside and sanitize them.

πŸ’¦11. Practice good hygiene. Wash your hands before entering your home, do not sit anywhere or touch anything. Go to the bathroom immediately once you enter inside your home. Take a thorough bath and shampoo your hair asap when you come home from outside. As the virus can stick to your hair and hair can get in your face. Sanitize your bags, cell phones, car keys etc. Wash worn clothes immediately. Sun is a natural sanitizer. Dry your clothes under the sun 🌞

🏑12. Ensure to sanitize, wash with detergent or sanitizing aids (especially the can goods) anything you buy and will bring inside your home like groceries, veggies (to soak with salt & baking soda/ vinegar), food take-out including breads (better to transfer on a clean container and heat it before eating) etc.

β€β€πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦13. Be cautious. Don't bring the virus to your family.

Lockdown or no lockdown
for the next 6 to 12 months,
follow these precautions.

Share these with
all your family & friends.

Embrace the new normalπŸ™πŸΌGod bless everyone, stay safe and virus-free.


😊

Ctto

PARA SA ATING KAALAMAN..Ang ating butihing Mayor at Vice Mayor ay nagdesisyon na magtalaga ng Anim na Ospital sa ating l...
19/04/2020

PARA SA ATING KAALAMAN..

Ang ating butihing Mayor at Vice Mayor ay nagdesisyon na magtalaga ng Anim na Ospital sa ating lungsod para sa inyong kalagayan at sakit.

"Ang PAGHIHIWALAY NG MGA PASYENTE SA IBAT-IBANG OSPITAL upang maisaayos ang mga kawani, kagamitan at supplies ng bawat pagamutan. Ipunatupad din ito para maiwasan ang pagkahasa at pagkalat ng COVID 19. Ito ang layunin ng programang "CONTAIN" and "DELAY" Ng COVID 19."

Maraming Salamat po.

24/03/2020

PAANO NATIN MALALABANAN ANG COVID-19?

20/03/2020

PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT....

1. Upang mabawasan ang exposure ng ating mga healthworkers at maiwasan ang paglabas nila sa bahay, pansamantalang ititigil po muna ang konsulta sa ibang health center sa district. Subalit ang mga kumukuha ng gamot sa baga at maintenance ay maaaring pumunta pa din sa center. Ang tanging may konsulta po ay ang Tondo Health Center at Palomar Health Center kung saan ang atin pong ibang personnel ay magduduty. Wala din po munang bunot ng ipin sa mga dental patients, puro treatment lamang po tayo. Suspendido din po ang HIV screening, DSSM at gene expert.

Bukas pa rin naman po ang ibang Health Center para sa mga katanungan tungkol sa COVID 19 at sa mga nangangailangan Ng gamot sa TB, Senior Meds, maintenance na mga gamot para sa Altapresyon, diabetes, cholesterol at sa mga essential na gamot para sa Lagnat, Ubo at Hika.

2. Iwasan din po ang pagkakalat ng maling balita or fake news. Malaki po ang pagkakaiba ng PUM, sa PUI at sa confirmed case.

PUM - mga taong may history ng travel sa ibang bansa or ibang lugar na may kaso ng covid or may exposure sa taong may covid ngunit wala pa pong sintomas gaya ng lagnat, ubo, sipon, pagtatae at hirap sa paghinga. Karaniwan po ay dapat na nakaquarantine lang po sila at di dapat lumabas ng bahay sa loob ng 14 na araw

PUI - sila po ang ating mga PUM na mayroon ng sintomas ng lagnat, ubo, sipon, pagtatae at hirap sa paghinga. Kung mild lamang po ang mga sintomas ay maaaring self quarantine din lamang po ang lunas.

Confirmed case - sila po ang mga nagpositibo sa screening test. Kung di rin naman po malubha ang pasyente ay sapat na na self quarantine pa din po sila. Inaadmit lamang po kapag may mga edad na, malubha ang sintomas at may ibang sakit gaya ng diabetes, alta presyon, sakit sa bato at iba pa.
Pinakamabisang paraan pa din po ang di paglabas ng bahay at madalas na paghuhugas ng kamay.

Lagi pong tandaan na ang virus po ay walang gamot. Kusa po itong gumagaling. Kailangan lamang pong palakasin ang resistanya at maging malinis sa pangangatawan.
Tulong tulong po nating bantayan ang ating mga hanay.

MULI:
Maaring magpakonsulta sa itinalagang dalawang Health Center Ng ating distrito dos, ang Palomar Health Center at Tondo Health Center mula 8:00am hanggang 5:00pm

MARAMING SALAMAT PO!☺️

PAUNAWA:Napakahalaga po ng mga susunod na araw. Ito po ang magsasabi kung hanggang kailan tayo mananatiling pinapayuhan ...
19/03/2020

PAUNAWA:
Napakahalaga po ng mga susunod na araw. Ito po ang magsasabi kung hanggang kailan tayo mananatiling pinapayuhan sa loob ng bahay..
Maawa na po ang lahat. Manatili po sa bahay upang maiwasan na ang pagkalat ng sakit na COVID-19.
Limitahan po ang pag-alis ng bahay. Sigurahing napakaimportante ang gagawin kung sakaling lumabas ng bahay. Hindi po natin ito kakayanin kung wala tayong pagkakaisa. Maraming Salamat po.


16/03/2020

PAUNAWA:

Ang "Fasting Blood Sugar" testing o eksaminasyon ng asukal sa dugo, na dapat gaganapin ng Marso 18, 2020 sa ating tanggapan ay pansamantalang kanselado upang sumunod sa kautusan ng ating gobyerno.

Isa po ito sa hakbang upang maiwasan muna ang pagkakaroon ng pagpupulong o pagsasama ng pamayanan. Kami po ay mag-aanunsiyo kung kailan po ulit ito matutuloy.

Manatili pong nasa loob ng bahay upang maiwasan ang kumakalat na sakit (COVID-19). Maraming Salamat po.

16/03/2020

PAUNAWA:
Para po sa ikabubuti ng lahat, ang schedule po ng BAKUNA na karaniwang sa umaga ginagawa ay ililipat na po sa hapon, 1:00 pm Lunes hanggang Byernes, kasama ng Check-up ng Buntis (MWF). Ito ay isang hakbang upang ihiwalay ang mga bata sa mga dadating na Check-up na may karamdaman.

Samantalang patuloy pa rin ang po ang check-up at buong programa ng ating health center.

Maging maingat po tayong lahat at manatili sa loob ng bahay kung walang importanteng gagawin sa labas. Isa ito sa mabisang proteksyon sa kumakalat na sakit (COVID-19). Maraming Salamat po.

Bantay COVID-19.. FYI.
08/03/2020

Bantay COVID-19.. FYI.

08/03/2020

Napakahalagang Impormasyon para po sa kaalaman nating lahat tungkol sa COVID-19.

28/02/2020

Let's help build the future of all the children.

Tuloy- tuloy pa rin po ang Sabayang Patak Kontra Polio sa mga batang 5 taong edad pababa. Samahan niyo po kaming tulungan sugpuin ang nakakamatay na sakit na ang tanging lunas ay bakuna lamang kontra Polio.


22/02/2020

Nanay, Tatay, Lolo at Lola.. Libre po ang bakuna sa Polio. Wag niyo pong ikikibit-balikat yan.. sa mga private naman..baka sila’y sa private eh, hindi po kayo makakakuha ng type2 polio vaccine sa mga ospital until authorized ng DOH..”
"Mas matakot po tayo sa Polio kaysa sa Flu o N-Cov na yan.."- YORME

Ang ating butihing Mayor at Vice Mayor na po ang nakikiusap, kasama po ng buong pakikipagtulungan ng DOH, WHO at Unicef, lahat po ng batang 5 taon pababa ay pabakunahan natin ng Polio. Ito po ay libre, ligtas at walang "overdose". Sa darating na February 24- March 8, lahat po ng kawanihan ng Health Center ay iikot po sa inyong baranggay upang masigurong lahat ng batang 5 taon pababa ay mapapatakan. Maraming Salamat po.☺️



22/02/2020

"Nanay, Tatay, Lolo at Lola.. Libre po ang bakuna sa Polio. Wag niyo pong ikikibit-balikat yan.. sa mga private naman..baka sila’y sa private eh, hindi po kayo makakakuha ng type2 polio vaccine sa mga ospital until authorized ng DOH..”
"Mas matakot po tayo sa Polio kaysa sa Flu o N-Cov na yan.."- YORME

Ang ating butihing Mayor at Vice Mayor na po ang nakikiusap, kasama po ng buong pakikipagtulungan ng DOH, WHO at Unicef, lahat po ng batang 5 taon pababa ay pabakunahan natin ng Polio. Ito po ay libre, ligtas at walang "overdose". Sa darating na February 24- March 8, lahat po ng kawanihan ng Health Center ay iikot po sa inyong baranggay upang masigurong lahat ng batang 5 taon pababa ay mapapatakan. Maraming Salamat po.☺️



Address

2474 Int. Juan Luna Street Tondo
Tondo

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tondo Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram