27/02/2026
📣 ANUNSYO | PABATID
2026 National Women’s Month Kick-Off Celebration 💜
Ang Sangguniang Barangay po ay nag aanyaya sa lahat na makiisa sa pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month na may temang:
“WE for Gender Equality and Inclusive Society”
at sub-theme na “Lead Like Babaylan, Filipinas!”
Bilang bahagi po ng pagdiriwang , magkakaroon po tayo ng:
💃 JUANa Move: Sama-Sama sa Healthy at Equal na Pamayanan
🏃♀️ “Empowered Wellness: Zumba for Health and Equality”
📅 Marso 1, 2026 (Linggo)
⏰ 7:00 AM – 11:00 AM
📍 Barangay Covered Court
📌 Ang Sangguniang Barangay po ay nagpadala na ng liham sa lahat ng Purok Leaders /4 P’s Leaders/ CSO’s /Education Sectors/ at iba pa para sa maagang registration ng mga kalahok.
👉 Para sa mga hindi po makakapagpa-register nang maaga, maaari pa ring magpalista mismo sa araw ng programa.
🎯 Mga Layunin ng Gawain:
• Mapalakas ang kamalayan sa kahalagahan ng gender equality at inklusibong pamayanan.
• Maipakita ang suporta sa kalusugan at kapakanan ng kababaihan at buong komunidad.
• Mahikayat ang sama-samang pagkilos para sa isang healthy, empowered, at pantay na barangay.
Hinihikayat ang lahat — kababaihan, kalalakihan, kabataan, at iba pang sektor — na makiisa at makigalaw para sa kalusugan at pagkakapantay-pantay! 💜
Sama-sama po tayong gumalaw para sa isang mas malusog at pantay na pamayanan!
KGD. MAY ELLEN A. MAGCARANG
Committee on Women and Family-Chairperson
GAD Focal Person
VAWC Desk Officer