22/07/2025
🚨DOH CaLaBaRZon: MANATILING NAKA ALERTO SA RAINFALL WARNINGS PARA SA MAAGAP NA AKSYON🚨
🟡 Yellow: Bantayan ang mga ulat at abiso dahil maaaring lumala ang sama ng panahon.
🟠 Orange: Maging alerto dahil may banta ng pagbaha at posibilidad ng paglikas.
🔴 Red: Kumilos agad at lumikas, lalo na kung may panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ayon sa 8:00 am PAGASA Rainfall Warning Advisory, nasa 🔴 RED WARNING ang mga sumusunod na bahagi ng Cavite: Bacoor City, Dasmariñas City, Kawit, Noveleta, Imus City, Cavite City, General Trias City, at Rosario.
LINK: https://www.facebook.com/share/p/16EZvoPCre/?mibextid=wwXIfr
Ang nasabing mga lugar ay maaaring makaranas ng ulan na lampas sa 30 millimeters sa susunod na tatlong oras. Inaasahan ang pagbaha sa mga mabababang lugar.
‼️ Paaalala ng DOH CaLaBaRZon, kapag nasa panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa, lumikas nang maaga.
✅ Alamin ang rainfall warning system at bantayan ang anunsyo ng iyong lugar para sa akmang aksyon.
🎒 I-handa ang GO BAG para sa maagang pag-likas ayon sa abiso ng inyong LGU.