05/10/2025
Gaano katagal stable o ligtas inumin ang mga gamot na syrup kapag nabuksan na?
Bumababa ang stability ng gamot kapag nabuksan na ito dahil sa exposure sa hangin, ilaw, at bacteria. Pero hindi agad ito masisira kung ito ay properly stored.
Karamihan sa mga syrup (para sa lagnat, ubo, sipon, vitamins, at iba pa) ay stable up to 6 months matapos buksan, basta:
✔️Naka-store sa room temperature (below 25–30°C)
✔️Malayo sa init at direktang sikat ng araw
✔️Laging mahigpit ang takip upang maiwasan ang contamination
💡 Tandaan:
• Maaaring mas maiksi o mas matagal ang stability depende sa formulation at preservatives ng gamot.
• Kung may specific na instruction ang manufacturer na makikita sa box ng gamot, iyon ang dapat sundin.
• Isulat ang petsa kung kailan binuksan ang bote para mas madaling ma-monitor.
• Sundin palagi ang expiry date na nakasulat sa box o bote ng gamot kahit hindi pa lumilipas ang 6 na buwan matapos buksan, huwag nang gamitin kung expired na ito.
• Kung may pagbabago sa amoy, kulay, o consistency ng syrup, huwag na itong inumin.
Like and follow us for more tips, health guides, and doses of care! 💙