17/05/2022
Paano magpaschedule ng Face to face consult sa OB-GYN Outpatient Department?
**** Ang page na ito ay para lamang sa pagbibigay ng appointment ng FACE TO FACE consult sa OB-GYN Outpatient Department . Hindi po nagbibigay ang page na ito ng reseta, request ng laboratoryo/ultrasound at consultation.
**** Ang pagpapa schedule ay tuwing Monday to Friday (except Holidays), 8am to 3pm. Ang mga message na aming sasagutin ay simula 8am hanggang 3pm lamang. pag kayo ay nagpadala ng message before 8am, pagsapit ng 3pm onwards o tuwing holidays at weekends (Saturday at Sunday), wala na pong sasagot sa inyong Messages at hindi na din po ito priority na sagutin.
Kung kayo ay nabigyan na ng schedule gamit ang dating page, magpunta ng 8am sa araw ng inyong schedule. Hindi na kinakailangan ng verification code.
Ang OB-GYN ultrasound ay First come, First serve basis, hindi na kailangan ng schedule tuwing Monday to Friday except Holiday.
Kung Family Planning ang pakay pumunta sa kanilang page:
https://www.facebook.com/VMC-Family-Planning-102088155242362
Paano magpaschedule ng Face to face consult sa OB-GYN Outpatient Department?
1. Hanapin ang page ng OB-Gyn VMC appointment System (https://www.facebook.com/OBGYNVMCAppointment)
2. Tuwing Monday to Friday (except Holidays) 8am to 3pm available ang book now sa page na ito. Pindutin ang " Book now " na nakalagay malapit sa pangalan ng page
3. Pumili ng Araw at Oras na available ng face to face consult (Tuwing Tuesday, Wednesday at Friday, except Holidays). Pag walang Oras na nakalagay ibig sabihin ay puno na ang schedule, maari kayo pumili ng ibang araw.
4. Pindutin ang View Details. Antayin ang google form na ipapadala sa inyong messenger. Siguraduhin na ito ay masasagutan ng tama.
***** mahigpit na pinapatupad ang no booking, no google form filled up, no schedule confirmation
5. Antayin ang confirmation message ng facebook account na ito.
6. Pumunta sa OB-GYN Outpatient Department, 1 oras bago ang iyong confirmed na appointment dala-dala ang inyong mga laboratory at ultrasound results (kung meron) O mga document na kinakailangan para sa inyong check up. Wala nang kinakailangan na verification code.
****** Kung kayo ay kinakailangan na makita agad ng doktor o kinakailangan ng agad agarang medikal na gamutan ang inyong nararamdaman, mainam na kayo ay pumunta sa Emergency Room ng Valenzuela Medical Center o kaya sa pinaka malapit na Hospital. Hindi na po kinakailangan ng appointment o schedule sa emergency room. Salamat po!
Ito ay para sa scheduling ng face to face consult sa OB-GYN Outpatient Department ng Valenzuela Medical Center. Ang face to face consult ay tuwing Tuesday, Wednesday at Friday except Holidays.