04/10/2025
Isa sa mga small wins ko sa araw na ito. π₯Ή
Ito si kuya, nagpunta siya sa akin na may HBA1c result na 15.10%, FBS 376, madalas umihi, magutom at mauhaw. Sabi niya ay nagmamanhid din ang kanyang paa. Noong sinabi ko na ang mabisang gamot dito ay ang paggamit ng insulin. Madali ko naman napapayag si kuya. (Pero sa ibang pasyente ito, baka aabutin kami ng buwan bago magsimula)
PAANO? Kasi nakita daw niya ang complication ng Diabetes sa kanyang pamilya at ayaw niyang umabot sa ganoon ang kanyang condition.
Sumunod din siya sa follow-up na pagbantay sa kanyang mga laboratory results, sa pag-inom ng gamot at higit sa lahat, sa diet at lifestyle modification. Ngayon, bumalik siya sa akin na may HBA1c 6.9% (goal