18/02/2026
MASUSUNGIT NA UNIVERSITY REGISTRAR AT EMPLEYADO NG OSPITAL, PWEDE NANG IREKLAMO!
Maaari nang ireklamo at sampahan ng kasong administratibo ang masusungit na empleyado ng gobyerno kabilang ang mga kawani ng university registrar, pampublikong ospital, at barangay, ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Ayon sa ARTA, maituturing na paglabag ang pagsusungit, pagtataray, paninigaw, at hindi magandang pag-aasikaso sa publiko.
Maaaring ipadala ang reklamo sa ARTA complaint center sa email na complaints@arta.gov.ph, o tumawag sa mga numerong 1-2782 (local) 1040-1049, 0928-690-4080, at 0969-257-7242.