01/12/2025
Ngayong araw, Disyembre 1, 2025, nakibahagi ang VMC sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at kay Mayor WES Gatchalian sa paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) upang matiyak ang patuloy at mas pinalakas na pagbibigay ng Family Planning services sa lahat ng city health centers.
Pinagtitibay ng partnership na ito ang ating sama-samang pangako na maghatid ng accessible, mataas na kalidad, at community-centered na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Valenzuelano.
Mananatiling tapat ang VMC sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at mga health agencies upang maihatid ang maagap, patient-focused, at sustainable na healthcare para sa lahat.