Isla Health Center

Isla Health Center Consultation
Mon, Tue, Thurs, Fri: 8am -5pm

Immunization
Wed 8am - 12nn

Dental
Tues, Thurs : 8am - 5 pm

Family Planning
MWF 8am -5 pm

VIA
MWF: 8am - 5pm

Inaanyayahan ang mga batang Valenzuelano 10-15 years old na makilahok sa FREE COMMUNITY-BASED SCOLIOSIS SCREENING na gag...
13/03/2026

Inaanyayahan ang mga batang Valenzuelano 10-15 years old na makilahok sa FREE COMMUNITY-BASED SCOLIOSIS SCREENING na gaganapin sa Marso 16, 2026, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, sa AVR, 3rd floor, Valenzuela city Hall.

Kung ang inyong anak ay nakararanas ng pananakit ng likod, madaling mapagod o hingalin, may napapansing hindi pantay na balikat, ulo, o bewang, ipasuri na ang inyong anak upang maagapan ang posibleng scoliosis.

Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at tamang gabay medikal.

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong Valenzuelano na makilahok sa FREE COMMUNITY-BASED SCOLIOSIS SCREENING na gaganapin sa Marso 16, 2026, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, sa AVR, 3rd floor, Valenzuela city Hall.

Kung ang inyong anak ay nakararanas ng pananakit ng likod, madaling mapagod o hingalin, may napapansing hindi pantay na balikat, ulo, o bewang, ipasuri na ang inyong anak upang maagapan ang posibleng scoliosis.

Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at tamang gabay medikal.

10/03/2026

Ang Buwan ng Marso ay Rabies Awareness Month 🐶🐱

Kung ikaw ay nakagat ng iyong alaga, agad na magpabakuna upang maiwasan ang pangamba at panganib na dala nito. Isang mahalagang paalala na ang rabies ay 100% nakamamatay ngunit 100% naiiwasan sa pamamagitan ng agarang pagpapabakuna. 💉

Nakikiisa ang Isla Health Center sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.Hindi ka babae lang. Ik...
09/03/2026

Nakikiisa ang Isla Health Center sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Hindi ka babae lang. Ikaw ay ina, kapatid, anak, kaibigan, at haligi ng pamilya at komunidad. Taglay mo ang lakas, malasakit, at kakayahang magbigay inspirasyon sa iba.

Sa bawat sakripisyo, pag-aaruga, at dedikasyon mo sa araw-araw, ipinapakita mo ang tunay na kahulugan ng pagiging babae—matatag, mapagmahal, at may malasakit sa kapwa.

Sa buwang ito, ating kilalanin, ipagdiwang, at pahalagahan ang mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng mas malusog at mas maunlad na komunidad. 💜

🩸 Blood Donation Drive ❤️Inaanyayahan po ang lahat ng may pusong tumulong na makiisa sa ating Blood Donation Drive. Ang ...
08/03/2026

🩸 Blood Donation Drive ❤️

Inaanyayahan po ang lahat ng may pusong tumulong na makiisa sa ating Blood Donation Drive. Ang simpleng pagdo-donate ng dugo ay maaaring maging dahilan upang madugtungan ang buhay ng ating kapwa.

📅 Marso 19
⏰ 8:00 ng umaga – 3:00 ng hapon
📍 Isla Health Center

Maging bayani sa simpleng paraan. Mag-donate ng dugo, magligtas ng buhay! Sama-sama po nating ipakita ang malasakit para sa ating komunidad. 🩸✨

Nakiki-isa ang Isla Health Center ngayong araw sa World Obesity Day —isang paalala na seryosong usapin ang labis na timb...
04/03/2026

Nakiki-isa ang Isla Health Center ngayong araw sa World Obesity Day —isang paalala na seryosong usapin ang labis na timbang at ang epekto nito sa kalusugan.

Ang obesity ay maaaring magdulot ng mas mataas na panganib sa iba’t ibang karamdaman. Kaya mahalagang bantayan ang ating timbang at pangalagaan ang ating katawan. Narito ang ilang hakbang tungo sa mas malusog na pamumuhay:

Ngayong araw, ginugunita natin ang World Obesity Day.

Maaaring umangat ang panganib sa mga sumusunod na sakit dahil sa obesity. Panatilihin ang tamang timbang para sa malusog na katawan at gawin ang mga sumusunod:

02/03/2026

Alam niyo ba na pwedeng makapagpa-checkup, magpa-laboratory, at makakuha ng gamot na halos walang binabayaran?

Siguraduhing magparehistro lamang sa pinaka-malapit na PhilHealth YAKAP Clinic sa inyong lugar. Kung saan ka nakarehistro, doon ka lamang maaaring kumuha ng PhilHealth YAKAP Prescription sa loob ng isang taon. Wag mag-alala dahil maaari namang lumipat pagkatapos ng isang taon.

PANOORIN ang video na ito para sa buong detalye kung paano maging bahagi ng programa: 👇

WESnesday is Bakuna Day! Dagdag kaalaman 🤔💡Alam n’yo ba kung bakit tinatawag na “golden window of opportunity” ang unang...
25/02/2026

WESnesday is Bakuna Day! Dagdag kaalaman 🤔💡

Alam n’yo ba kung bakit tinatawag na “golden window of opportunity” ang unang 1,000 araw ni baby?

Ito ay ang panahon mula sa pagbubuntis hanggang sa ikalawang kaarawan ng isang bata kung saan nabubuo ang pundasyon ng kanyang kalusugan, pag-iisip, at kakayahang matuto habang buhay. Dito nagsisimula ang lahat ng maaaring maging siya sa hinaharap.

Iyan ang dahilan kung bakit maraming eksperto ang tumatawag dito na:
🌱 formative period
🌱 critical period for growth and development
🌱 golden window for health interventions

Sa bawat araw sa panahon na ito, may pagkakataon ang mga magulang na maibigay ang tamang nutrisyon, alaga, at pagmamahal na kailangan ni baby upang lumaki sila ng malusog at matatag. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang madalas na pagkakasakit ng bata at magiging tama ang kanilang paglaki.

Sa Pilipinas, ito rin ay itinuturing na pambansang prayoridad sa ilalim ng Republic Act No. 11148 o ang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.” Layunin ng batas na tiyaking may sapat na suporta at serbisyo mula sa pamahalaan para sa mga ina at batang nasa unang 1000 araw ng buhay.

Ang bawat araw ay may ambag sa kinabukasan. Kaya’t kalusugan at nutrisyon ni baby, simulan sa first 1,000 days!

Follow First 1000 Days PH para sa mga kaalamang makatutulong sa tamang pag-aalaga sa unang 1,000 araw ni baby.

May maintenance ka ba? Kailangan ng gamot para sa may sakit na kapamilya? 'Wag mag-alala! May paraan para makakuha ng gamot nang walang malaking gastos! 💊

Sa tulong ng PhilHealth GAMOT, maaari kang makakuha ng libreng pang-maintenance at iba pang gamot kung ikaw ay registered na sa PhilHealth YAKAP! Sa 75 klase ng mga gamot, halagang Php 20,000 nito ang libre mong makukuha kada taon.

Dahil prayoridad ang kalusugan ng bawat Valenzuelano, sinigurado ng Pamahalaang Lungsod na mas madali, de-kalidad, at maaasahan ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod katuwang ang PhilHealth, AC Health, at Generika Drugstore.

PANOORIN ang video na ito para sa buong detalye kung paano maging bahagi ng programa: 👇

Alam mo ba? 🤔💡 Sa ngayon ay nasa 75 ang mga gamot na libre mula sa YAKAP GAMOT.  21 dito ang maaaring makuha sa Yakap Cl...
23/02/2026

Alam mo ba? 🤔💡 Sa ngayon ay nasa 75 ang mga gamot na libre mula sa YAKAP GAMOT. 21 dito ang maaaring makuha sa Yakap Clinic/Health Center. Samantalang 54 naman ang maaaring makuha sa YAKAP Accredited Drugstore katulad ng Generika.

Kasama ba ang gamot mo sa listahan? Magpunta sa ating health center dala ang inyong Phil Health ID, magparegister at magpacheck-up upang makakuha ng YAKAP prescription. 💙

Alamin paano ba maging bahahi ng PhilHealth YAKAP Program 💙
21/02/2026

Alamin paano ba maging bahahi ng PhilHealth YAKAP Program 💙

Alam mo ba? 🤔💡Narito ang ilang dapat malaman tungkol sa Php20,000 na libreng gamot 💊
20/02/2026

Alam mo ba? 🤔💡
Narito ang ilang dapat malaman tungkol sa Php20,000 na libreng gamot 💊

19/02/2026

Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan sa aming pinakamasipag at napakabait na Kagawad for Health, Konsehala Evelyn 🎂

Dalangin po namin ang iyong kalusugan at kaligayahan ng puso. Maraming salamat po sa inyong walang hanggang malasakit at suporta sa lahat po ng ating proyekto at gawain para sa kalusugan ng mga taga-Isla.

Happy Birthday po from your Isla Health Center family 🥰

Address

Barangay Isla
Valenzuela
1440

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Isla Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram