26/11/2025
Isang araw ng serbisyo, pag-asa, at inklusyon. 💙
Noong Nobyembre 23, muling naghatid ang TheraFREE ng libreng screenings at suporta para sa mga bata at pamilya sa Valenzuela, upang maging mas abot-kamay ang maagang interbensyon para sa mga pinaka nangangailangan.
Kasama rin namin si Cong. Kenneth Gatchalian , na nagkaloob ng oras upang makipag-usap sa aming mga therapists tungkol sa mga inisyatiba para sa mas pinahusay na serbisyo at suporta para sa mga batang may pangangailangan. Malaking bagay ang kanilang opisina sa pagtataguyod ng mga programang makakatulong sa komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa Valenzuela Special Education Center at UP College of Allied Medical Professions Alumni Association sa kanilang matatag na pakikipagtulungan at malasakit.
Sama-sama tayong humahakbang tungo sa mas inklusibo at empowered na kinabukasan para sa bawat bata.