Kahilom Psychological Services

Kahilom Psychological Services Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kahilom Psychological Services, Mental Health Service, Mendoza Building 35 Maysan Road Brgy. Malinta, Valenzuela.

Kausap. Karamay. Kaagapay.Ito ang mahalagang gampanin ng isang tagapayong pangkaisipan sa proseso ng Individual counseli...
16/04/2026

Kausap. Karamay. Kaagapay.

Ito ang mahalagang gampanin ng isang tagapayong pangkaisipan sa proseso ng Individual counseling.
Binibigyang laya niya ang isang indibidwal na magsalaysay ng kaniyang karanasan, damdamin, at kaisipan nang sa gayon ay mas maunawaan niyang mainam ang kaniyang sarili, malutas ang kaniyang mga katanungan, at mapabuti ang kaniyang kalagayan sa kabuuan.

Kung kinakailangan ng makikinig at makakausap na propesyonal sa mga panahong ito, magmensahe lamang kay Kahilom -- kung saan matatagpuan ang paghinahon. ❤️‍🩹

Kung kahapuan ang nais mong mapawi, halika dito sa lilim at magpahinga kahit sandali.Huminga nang malalim, damhin at lan...
16/04/2026

Kung kahapuan ang nais mong mapawi, halika dito sa lilim at magpahinga kahit sandali.

Huminga nang malalim, damhin at langhapin ang sariwang hangin. Huwag kang magmadali, kailangan mo ito nang sa gayo'y may lakas kang magpatuloy muli.

Sasamahan ka ng hangin sa iyong paglalakbay, ngunit pansamantala ka munang huminto -- hindi kasalanan ang kagyat na paglilim sa ilalim ng mga puno.

Natatagpuan mo rin ba ang iyong sarili na habang tumatanda tayo, mas nais na nating mapag-isa. Malayo sa ingay ng mundo,...
16/04/2026

Natatagpuan mo rin ba ang iyong sarili na habang tumatanda tayo, mas nais na nating mapag-isa. Malayo sa ingay ng mundo, na ang tanging maririnig mo lamang ay ang nilalaman ng iyong isipan.

May kakaibang kapayapaang dala ang pag-iisa. Hindi mo kailangang ngumiti nang pilit, walang magagalit kahit hindi ka umimik. Nakakapagnilay ka kung ano nga bang nangyayari, at sa dulo ng araw ay may sagot ka sa lahat ng bakit. ❤️‍🩹

Piliin mong maging marahan, paunti-unti man ngunit may kasiguraduhan.Sa prosesong ito, hindi mag-isang tatahakin ang kal...
15/04/2026

Piliin mong maging marahan, paunti-unti man ngunit may kasiguraduhan.

Sa prosesong ito, hindi mag-isang tatahakin ang kalinawan. May kasama kang makikinig, uunawa, at gagabay sa tanglaw na iyong nais patunguhan.
Sa madaling sabi, mayroon kang masasandalan. ❤️‍🩹

Halina kay Kahilom, siya ang iyong katuwang sa ligalig at paghinahon.

Nanahimik na lamang kahit napakaingay ng iyong isipan.Wala nang lakas upang magpaliwanag pa, na para bang wala ng katumb...
15/04/2026

Nanahimik na lamang kahit napakaingay ng iyong isipan.
Wala nang lakas upang magpaliwanag pa, na para bang wala ng katumbas na salita ang makapagpababatid ng nadarama.

Kung ikaw man ay nakararanas ng ganitong kalagayan, kung hanap mo'y espasyong kayang pakinggan ang mga agam-agam na hindi masimulan, magtungo kay Kahilom -- may upuang nakaabang, na kahit ang pinakamalabong kalagaya'y bibigyang kalinawan. ❤️‍🩹

Maalala mo sanang unahing palagi ang iyong sarili pagkat hindi ka para sa lahat.Hindi para sa mga nariyan lamang kapag m...
15/04/2026

Maalala mo sanang unahing palagi ang iyong sarili pagkat hindi ka para sa lahat.
Hindi para sa mga nariyan lamang kapag masaya, higit lalo sa mga dahilan ng iyong pagdurusa.

Matutuhan mo sanang magtala ng hangganan para na rin sa iyong kapayapaan. Bitiwan ang mga nagdudulot ng bigat at kahapisan, dahil hindi ka para sa lahat.

Kaya nga't laging sinasabi, ikaw ay salamin ng iyong pinagmulan. Repleksyon mo ang lunan na iyong kinabibilangan, malaki...
14/04/2026

Kaya nga't laging sinasabi, ikaw ay salamin ng iyong pinagmulan. Repleksyon mo ang lunan na iyong kinabibilangan, malaking bahagi ito ng iyong pagkakakilanlan.

Kailanma'y hindi mapagbubuklod ang ugnayan ng pag-iral at pinag-ugatan, ngunit maaaring mabago ang takbo ng iyong pananaw sa buhay kung pipiliin at nanaiisin nating buksan ang ating kamalayan.

Hindi pagiging makasarili ang paggalang sa sarili. Ito'y tanda ng iyong pagpili na ang pinakamahalagang sangkap tungo sa...
14/04/2026

Hindi pagiging makasarili ang paggalang sa sarili. Ito'y tanda ng iyong pagpili na ang pinakamahalagang sangkap tungo sa pagiging buo at ganap -- walang iba kundi ikaw.

Ang pagtatakda ng hangganan sa iba ay hindi pagdadamot, pagkat hindi lahat ng pagtitiis ay tanda ng kabutihan -- ito ang unang lamat sa iyong kalakasan.

Kakayanin -- ang madalas banggitin sa mga panahong may pinaghahandaang hamon ng buhay,  bagaman walang kasiguraduhan ang...
13/04/2026

Kakayanin -- ang madalas banggitin sa mga panahong may pinaghahandaang hamon ng buhay, bagaman walang kasiguraduhan ang pagtatagumpay.

Kinakaya -- sa kabila ng hapis, paghihirap at kaguluhan, ngunit walang ibang pagpipilian kundi ang lumaban pa.

Kinaya -- kahit pa kay tagal nagdusa. Sa kabila ng lahat ng dagok at pagkadapa, ng pagtitiis at alintana -- kinaya.

Kung sakaling hindi na kinakaya, at pinipilit na lamang kayanin ang lahat ng bigat na dala, huwag mag-atubiling lumapit kay Kahilom pagkat walang pagdadalawang-isip ang tulong na kayang ipabatid -- saanman, kailanman.

Usapang Isipan: Kaalaman  #1Bakit nga ba kapag mabigat ang ating damdamin, apektado ang ating pagkilos maging ang ating ...
13/04/2026

Usapang Isipan: Kaalaman #1

Bakit nga ba kapag mabigat ang ating damdamin, apektado ang ating pagkilos maging ang ating kalagayang pangkaisipan?

Ayon sa GESTALT PSYCHOLOGY, magkakaugnay ang 3 aspektong ito na siyang bumubuo upang maging isang ganap na indibidwal ang isang tao. Kaya naman, kung isa sa mga salik na ito ang may nararamdaman, damay ang kabuuan.

Laging tandaan, lamang ang may alam! Kung mayroon pang mga katanungan, magmensahe lamang! 🤗

Piliin mong palagi ang iyong sarili pagkat siya ang tunay mong kakampi. ❤️‍🩹Madalas, nakasanayan nang nariyan ka tuwing ...
13/04/2026

Piliin mong palagi ang iyong sarili pagkat siya ang tunay mong kakampi. ❤️‍🩹

Madalas, nakasanayan nang nariyan ka tuwing sila ang may kailangan.
Tandaan, mayroong salitang "hindi" upang magamit hanggat maaari.

Magmula ngayon, ikaw naman. 💖

Bakit nga ba kay hirap banggitin ng salitang TULONG kung usaping kalagayang pangkaisipan?Marahil ay kung nakasanayan lam...
11/04/2026

Bakit nga ba kay hirap banggitin ng salitang TULONG kung usaping kalagayang pangkaisipan?

Marahil ay kung nakasanayan lamang ito at hindi nagiging malaking usapin, walang pag-aalinlangan ang paghingi ng suporta at paggabay sa mga pagkakataong gusto na lang nating maglaho.

Siguro, panahon na rin para iwaksi ang nakasanayang ang paghingi ng tulong ay kahinaan -- pagkat malakas kang magpapatuloy sa iyong laban.
Ang kaibahan lang, may kasama ka ng haharap sa panibagong yugtong ito -- narito si Kahilom, malalapitan mo. ❤️‍🩹

Address

Mendoza Building 35 Maysan Road Brgy. Malinta
Valenzuela
1440

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kahilom Psychological Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share