24/03/2026
PRESS RELEASE NO. 2026 - 0002
March 24, 2026
๐๐๐ ๐๐ข๐๐จ๐ฅ ๐๐๐, ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฉ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ ๐๐ญ ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐๐ฅ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐
Ngayong papalapit na Semana Santa, pinapaalala ng Kagawaran ng Kalusugan Bicol na salubungin ang sagradong panahon ng malusog, ligtas, at iwas sa sakuna.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa simbahan at iba pang pampublikong lugar, hinihikayat ng Kagawaran na sundin ang ilang paalalang pangkalusugan:
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐ฐ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ก๐๐๐ญ ๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ๐ค๐ - Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration, magsuot ng sombrero o gumamit ng payong, iwasan ang paginom ng tsaa, kape, softdrinks, o alak, at limitahan ang oras ng paglabas ng bahay.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐ฐ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ก๐ฒ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง - Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay, iwasan ang maalat at matabang pagkain, mag ehersisyo ng regular, panatilihin ang malusog na timbang, itigil ang paninigarilyo at paginom ng alak, at iwasan ang stress gamit ang relaxation techniques.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐ฐ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐ - Palaging isuot ang seatbelt o helmet, iwasang mag cellphone habang nagmamaneho, huwag magmaneho kapag nakainom ng alak, panatilihin ang tamang bilis sa pagmamaneho, at sumunod sa batas trapiko. Agad na tumawag sa emergency hotlines kung sakaling magkaroon ng anumang aksidente.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐ฐ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ง๐จ๐ - Sa pag-obserba ng Drowning Prevention Month, gawin ang 5Bs (Bantayan palagi ang mga batang lumalangoy; Bida Salbabida life vest o tamang floatation device; Bawal ang Alak; Barrier sa mga nakatira malapit sa tubig, Bystander Intervention)
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ง๐ข๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐ - Iwasan ang pakikilahok sa mga penitensyang maaaring magdulot ng tetano at impeksyon.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐ฌ๐ข๐ - Magsuot ng komportableng damit at magdala ng tubig at pagkain na hindi mabilis mapanis. Laging bantayan ang mga kasamang bata. Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
Hinihikayat ng Kagawaran ng Kalusugan Bicol ang bawat indibidwal na isulong ang kalusugan para sa isang komunidad na walang pinsala at walang sakit sa panahong ito ng pagninilay at solemnidad.