20/10/2025
Adolescent Recollection 2025: Isang Tagumpay!
Matagumpay na isinagawa ang 2-Day Adolescent Recollection noong Oktubre 16โ17, 2025 sa Alfonso Maria Fusco Childrenโs Home, Fiat Compound, Cavinitan, Virac. Ito ay dinaluhan ng 40 kabataang mula sa ibaโt ibang barangay ng Virac.
Pinangunahan ni Fr. Nestor Perpetuo Pastor ang sesyon sa spiritual health, na nagbigay-inspirasyon sa mga kabataan upang mas mapalalim ang kanilang pananampalataya at ugnayan sa Diyos.
Samantala, tinalakay naman ni Dr. Ruth Lizaso-Dy ng POGS Bicol Adolescent Health Program (AHP) ang reproductive health, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng self-awareness, responsible decision-making, at tamang kaalaman tungkol sa sariling katawan bilang bahagi ng pagkakaroon ng holistic health.
Ang programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng LGU Virac, Diocese of Virac โ Commission on Youth Apostolate, POGS Region V, at Adolescent Health Program.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Sama-sama nating patatagin ang pananampalataya, kamalayan, at kalusugan ng ating kabataan!