07/11/2025
Kapag NEGOSYO, negosyo.
Hiwalay ang personal na buhay.
Kamag-anak ka man, kumpare, kumare, o matagal ko nang kakilala, walang special treatment kapag negosyo ang usapan.
Kasi sa NEGOSYO,
hindi puwedeng “PAKI USAP” o “AWA AWA” ang puhunan.
Ang puhunan dito DISIPLINA,SISTEMA at RESPETO.
Kung pagbibigyan mo lahat ng “PAHINGI,”
“PA UTANG muna,” at “saka ko na lang bayaran,”
aba eh, mauubos ka bago ka pa KUMITA . 😅😅😅
KAILANGANG MALINAW : ibang usapan ang negosyo, ibang usapan ang personal.
Kung close tayo, mas lalo mo dapat respetuhin yung patakaran ko sa negosyo.
Hindi dahil kuripot ako, kundi dahil pinaghirapan ko ‘to.
Lahat ng paninda, bawat singko, bawat puyat, may kwento ‘yan.
Kaya kung gusto mong tumagal sa negosyo, matuto kang maglagay ng boundary.
NEGOSYO LANG WALANG PERSONALAN. . 🫡