09/02/2026
🧠📣 PABATID-PUBLIKO 📣ðŸ§
Ang QMMC Center for Neurological Sciences Tele-OPD ay bukas at tumatanggap ng mga mensahe paukol sa konsultasyong neurolohikal, para sa mga taong edad 19 pataas na may karamdamang nakaka-apekto sa utak (brain), gulugod (spine), nerbiyo (nerves), at kalamnan (muscles).
Bukas ang Tele-OPD mula 8:00 ng UMAGA hanggang 4:00 ng HAPON ng mga araw ng LUNES hanggang BIYERNES lamang. Mangyari na maghintay ng tugon mula sa tagapamahala ng pahinang ito nang may lubos na pang-unawa dahil sa dami ng lumalapit sa aming tanggapan.
Sarado ang Tele-OPD liban sa mga oras na nakatala, at sa tuwing may holidays, pagkakansela ng trabaho dulot ng bagyo, o mga pagtitipon na kinakailangan daluhan ng mag doktor ng aming tanggapan.
Para sa anumang AGAW-BUHAY o MALUBHANG karamdaman, mangyari po na pumunta sa pinakamalapit na EMERGENCY ROOM, at huwag nang hintayin magresponde ang pahinang ito.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!